Add parallel Print Page Options

12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at (A)isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi (B)ang anak ng kapahamakan; (C)upang matupad ang kasulatan.

13 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng (D)aking kagalakang ganap sa kanila rin.

14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: (E)at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.

Read full chapter